Dapat pala mas maaga :(

Ako si Maria. May manliligaw akong nagngangalang Mario. 5 months na syang nanliligaw. Sinusubukan ko kasi kung worth it ba talaga sya.

Mabait si Mario. Sobrang sweet. Kahit korni, nakakatuwa parin. Sobrang alaga nya sakin, ang gwapo pa nya. Kaya naman bukas, balak ko na syang sagutin.

Dati, di ko sya gusto, pero dahil sa effort nya, unti unting lumambot ang puso ko, palagi kong sinasabi na magmove on na sya para lang lambingin nya ako, kasi palagi nyang sinasabi “ayoko nga. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay, panata ko na yun”. Nakakakilig diba? pati nga best friend ko crush na sya e. :D kaya Bukas talaga, sasagutin ko na sya.

Ganito ang plano ko,

Tatanungin ko sya, may girlfriend ka na no? tapos syempre ang sasagutin nya e “wala pa” tapos, sasabihin ko “meron na, ako”. Nakakakilig na yun diba? :D

Dumating ang araw na sasagutin ko na sya. Nagkatabi kami sa room ginawa ko na ang plano ko.

Mario: Ui may sasabihin ako sayo

Ako: Ano yun? May girlfriend ka na no?

Mario: OO, yung bestfriend mo

</3


Ito ang first post ko kaya introduction muna

Una, lilinawin ko kung ano ang blog na to. Ito ay tungkol sa kwentong pag-ibig ng ibang tao. Ang mga karakter ay kathang isip lamang at di ko sinasadya kung kapangalan mo ang isa sa mga karakter ko. Yun lang. Sana maging masaya ang blog na ito. at sana maging friends tayo :D

(Source: mgakwentongpagibig)


Theme By: Jahrenesis